^

Probinsiya

Barangay chairwoman, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang 65-anyos na barangay chairwoman matapos itong pagbabarilin ng  dalawang nagpanggap na supporter ng biktima sa kaniyang tanggapan sa Barangay Hall ng Sta. Clara sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas  noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktima na si Chairwoman Leonor Angeles, matandang dalaga, ng Brgy. Sta Clara sa nasabing bayan. Napuruhan sa ibabang bahagi ng kaliwang mata na naglagos sa ulo ng biktima at idineklarang patay sa Saint Francis Cabrini Hospital. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, abala sa pag-aayos ng mga documento sa kanyang opisina si Angeles nang dumating ang dalawang lalaki na nagpanggap na supporter ng biktima. Gayunman, pagkapasok sa loob ay bigla na lamang pinagbabaril ang biktima. Nagmamadaling tumakas ang dalawa lulan ng motorsiklo.

vuukle comment

BARANGAY CHAIRWOMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with