Trike driver pinabulagta
CAVITE, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem gunmen ang 41-anyos na tricycle driver sa kahabaan ng Maysili Road sa Barangay Asis 3 sa bayan ng Mendez, Cavite. Kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa tagiliran ng katawan ang biktimang si Joey Tolentino, may asawa, at nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni P03 Cedrick Mojica, namamasada ng traysikel ang biktima nang dikitan at pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins. Sa follow-up ng pulisya, narekober ang motorsiklo na ginamit ng gunmen sa Barangay Asis 3 sa nasabing bayan.
- Latest