^

PSN Opinyon

Patuloy ang kasunduan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG tila nag-alisan ang mga Amerikanong sundalo mula sa Zamboanga, agad namang napalitan ng mga bagong dating na sundalo. Mga US Army naman ang pumalit sa US Marines na umalis na. Alam natin ang pahayag ni Pangulong Duterte na ang gusto niya ay umalis na ang mga Amerikanong sundalo sa Mindanao. Pero dahil wala pa namang opisyal na utos o hiling, kahit walang tigil ang mga banat at batikos niya sa US, patutuparin ng mga ito ang nakasaad sa mga kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Mayoralgo dela Cruz, 107 sundalo ang dumating sa Wesmincom. Patuloy ang pagtuturo ng mga Amerikano sa mga Pilipinong sundalo sa huma­nitarian, medical evacuation at pag-asikaso at paggamot sa mga nasugatang sundalo. Ang mga Amerikano rin ang tumutulong sa “intelligence gathering” na magagamit ng AFP sa laban sa Abu Sayyaf. Kung walang opis­yal o pormal na utos, mananatili sila sa Mindanao.

Ganito nga ang katayuan ng US sa kabila ng walang tigil na banat mula kay Duterte. Pag dating ni Duterte sa Japan, agad tinira muli ang US sa harap ng mga Pilipino doon. Mga maton daw ang Amerikano, pinagmumura. Pero wala siyang sinabing ganyan noong nasa China. Hindi ba pangmamaton ang pagtaboy sa ating mga mangingisdsa mula sa Panatag Shoal, gamit ang pagharang, banta na babanggain o gagamitan ng fire hose? Hindi ba pangmamaton ang pagharang sa mga barko na magdadala sana ng mga suplay sa mga Philippine Marines sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal? Wala kang maririnig mula kay Duterte na maton ang China, sa ngayon.

Gusto rin ng Japan ng klaripikasyon sa pahayag ni Duterte sa Beijing na hihiwalayan na ang US. Malakas na kaalyado ng Japan ang US, at nais manatili sa rehiyon ang mga Amerikano para kontrahin ang pilit na pag­lawak ng China. Kung saan lalagay si Duterte ay malalaman na lang natin. Pero sa ngayon, wala talaga siyang tigil sa kakatira sa US. Kahit saang bansa makaapak, tiyak na may sasabihing hindi maganda.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with