^

PSN Showbiz

Pero nagdalawang isip, Kim bumigay na uli kay Gerald

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pero nagdalawang isip, Kim bumigay na uli kay Gerald
Kim at Gerald

Kumpirmado na muling magtatambal sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Apat na taon na ang nakalilipas nang hu­ling magtambal sina Kim at Gerald sa isang proyekto kaya tiyak na ikatutuwa ito ng mga tagahanga ng dalawa. “Nu’ng nalaman ko na si Kim ang magiging leading lady, hindi na excitement eh. Very thankful siguro kasi sa tagal (na hindi nakatambal), actually I’m very speechless. Ako naman lagi akong optimistic and lagi akong umaasa eh. Kasi sabay kaming nagsimula and sa mga fans na sumuporta sa amin, nand’yan na mula simula and with her new fans,” nakangi­ting bungad ni Gerald.

Noong una ay nagdalawang isip daw si Kim na tanggapin ang nasabing proyekto. “Siyempre medyo alangan ako, as in sobra. Dahil tao lang naman ako siyempre. Pero sabi nga ni Mr. M (Johnny Manahan) bakit hindi mo tanggapin ito as challenge sa career mo since hindi ka na teenager, hindi ka na pa-tweetums. Tapos ang dami na ring nangyari sa career at personal lives namin. Parang this is something new na pwede kong i-offer para sa mga taong talagang sumusuporta sa akin,” pahayag naman ni Kim.

Wala raw isyu sa sinasabing malapit sa puso ng aktres na si Xian Lim ang muli nilang pagtatambal ng dating kasintahan. “Huwag na lang gawan ng issue. Kasi kami ni Xian, personally nagkakaintindihan kami. Nag-usap kami na trabaho ito. Wala naman kaming issue and malawak ang pagkakaintindihan naming dalawa. Sana gano’n rin ang KimXi fans, dahil six years ang love team ni Xian. Hinihiling namin na sana suportahan nila kami individually ngayon,” paliwanag ng aktres.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Gerald sa lahat ng Kimerald fans na patuloy na tumatangkilik sa kanila ni Kim. “Thankful kami kasi nand’yan pa rin sila and I’m going to give my 110% on this project. Kasi kung hindi dahil sa kanila, wala kami rito. Sobrang thankful ako sa 10-year na career ko and this was on my bucketlist. I wanted them to feel special na talagang nand’yan sila no’ng wala pa kaming alam sa buhay,” pagtatapos ng aktor.

Jovit at Shara hindi pa nagpa-plano ng kasal!

Kamakailan ay napabalitang nagkahiwalay na diumano sina Jovit Baldivino at Shara Chavez. Ayon kay Jovit ay ikinagulat daw nilang magkasintahan nang marinig ang tungkol dito. “Nagulat po kaming dalawa. Kasi po nabalitaan po namin na we have parted ways na raw po. Sa totoo lang po, hindi tunay ‘yon. Busy lang po kami sa negosyo namin and ako naman busy din sa career. Siguro po nawawalan lang po kami ng time na makita together pero we’re still together,” paglilinaw ni Jovit.

Mahigit isang taon nang magkasintahan ang singer at si Shara pero hindi pa raw napag-uusapan ang tungkol sa kasal kahit mayroon na silang isang anak. “Focus lang po muna kami kay baby pero darating din po kami diyan,” giit ni Jovit.

vuukle comment

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with