^

Bansa

Expiry date sa GC pinaaalis

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahilan sa nalalapit na kapaskuhan, isinusulong ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang pag-aalis ng expiration dates sa mga gift checks o GC.

Sinabi ni Castelo na ang GC ay pangkaraniwan  nireregalo tuwing kapaskuhan at kapag mayroong mga espesyal na okasyon. 

Sa House Bill 3091 na inihain ni Castelo, iginiit niya na ang GC ay maaa­ring gamiting pambili dahil ‘as good as cash’ na rin ito kaya dapat ay wala itong expiration date para magamit kung kailan nais gastusin.

Tungkulin din umano ng mga suppliers na tiyakin ang security features ng GC na hindi mapepeke o magagaya kahit pa alisin na ang expiration date dito.

Dahil katumbas ng pera ang halaga ng GC pamalit ng produkto o serbisyo nakasaad sa panukala na  hindi dapat ito naeexpire sa loob ng isang taon.

Paliwanag pa ni Castelo tuwing kapaskuhan ay milyong piso na halaga ng GC ang iniimprenta at may ilan na hindi batid ang expiration date nito at kapag gagamitin na ito ay balewala na ang halagang katumbas ng gift certificate dahil napaso na.

Inaatasan ng panukalang New Gift Check Act of 2016 ang Department of Trade and Industry o DTI na magpalabas ng rules and regulations para sa pagsasabatas nito.

vuukle comment

QUEZON CITY REP. WINSTON CASTELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with