^

Police Metro

4 sangkot sa droga dedo sa drug bust

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na lalaki na umano ay sangkot sa illegal drugs ang napatay ng mga pulis sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Laguna. 

Sa Caloocan City, kinilala ang mga nasawing sina Brandon Camacho, ng Miramonte Park, Brgy. 180; at Dean Villegas, residente ng Sapang Alat Street, Brgy. 181, ng naturang lungsod.

Sa ulat. dakong alas-3:00 ng hapon nang magsagawa ng surveillance operation ang mga pulis sa may CBY Malaria Street, Brgy. 186 dahil sa ulat na may drug den.

 Naaktuhan ng mga pulis ang dalawang suspek sa aktong sumisinghot ng shabu at sa halip na sumuko ay nakipagbarilan ang mga ito at sa palitan ng putok ay namatay ang mga huli.

Sa Laguna ay napatay din ang dalawa umanong drug pusher sa magkahiwalay na lugar na kinilalang sina Rosario Salvatierra Lirio alyas Totoy, 35 at Ronald Pasco.

Dakong alas-10:00 ng gabi ay nagtungo ang mga pulis na may bitbit na arrest warrant para kay  Lirio sa Brgy. Barandal, Calamba City, subalit habang isinisilbi ang warrant of arrest ay nanlaban ang suspek  na pinaputukan ang arresting team na  nagresulta  sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Napatay naman dakong alas-4:30 ng madaling araw si Pasco sa kahabaan ng Carmelite Road, Brgy. Concepcion, San Pablo City nang manlaban ito sa isang buy bust operation.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with