^

PM Sports

FIVB Women’s Club World Championship VakiftaBank Istanbul sigurado na sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpahinga ang Chinese star spiker na si Zhu Ting  ngunit nagpamalas pa rin ng impresibong laro ang Vakifbank Istanbul upang igupo ang Bangkok Glass, 25-19, 25-23, 25-18 sa FIVB Women’s Club World Championship na hatid ng PLDT kahapon sa Mall of Asia Arena.

Lumaro lang si Zhu, Most Valuable Player sa Rio Olympics sa first set ngunit hindi naramdaman ang kanyang pagkawala at nagawang dimolisahin ng Turkish ang mga Thais sa huling araw ng pool play.

Sa panalong ito, isinaayos ng VakifBank ang laban kontra sa Turkish League rival na Eczacibasi VitrA Istanbul habang ang Volero Zurich ay haharap sa Pomi Casalmaggiore sa semifinals.

Kasalukuyan pang kalaban ng Eczacibasi ang  PSL-F2 Logistics as of press time.

Dahil sa kanilang ikalawang sunod na kabiguan ay tuluyan nang nagwakas ang kampanya ng PSL-F2 Logistics Manila.

Yumukod ang PSL-F2 Logistics Manila sa bi-gating Pomi Casalmaggiore, 19-25, 15-25, 25-21 sa Pool A noong Huwebes.

Bumandera para sa tropa si Jaja Santiago na tumapos na may 11 points, tampok ang isang kill na tumama sa mukha ng Pomi Casalmaggiore libero, habang nag-ambag sina imports Lindsay Stalzer at Stephanie Niemer ng tig-9 points.

Nauna nang natalo ang PSL-F2 Logistics Manila sa Rexona Sesc Rio ng Brazil via straight sets sa opening day ng torneo.

vuukle comment

FIVB WOMEN’S CLUB WORLD CHAMPIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with