^

PM Sports

Maaga ang Pasko para kay Diaz

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matatanggap na ni weighlifter Hidilyn Diaz sa Lunes ang P5 million cash incentives bunga ng kanyang silver medal win sa nakaraang 2016 Rio Olympic Games na ginanap sa Rio de Janiero, Brazil noong Agosto.

Bukod kay Diaz ng Zamboanga City, ang mga nag-uwi rin ng medalya mula sa ginanap na 5th Asian Beach Games  sa Qatar at World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan ay makakatanggap din ng insentibo mula sa Philippine Sports Commission (PSC) sa isang pormal na seremonya na gagawin sa Rizal Memorial Stadium sa Lunes ng umaga.

Ayon kay PSC chairman William “Butch” Ramirez, aabot din sa halagang P3.5 million ang kabuuang ipamimigay nila sa mga nagbigay karangalan sa bansa sa iba’t ibang international competitions.

“Ito ay nakasaad sa batas na magbibigay ng cash incentives sa mga atleta natin na nanalo ng medalya sa Olympic Games, Asian Games, SEA Games, Asian Beach Games at World Chess Olympiad,” ani Ramirez.

Sa Asian Beach Games ay tatanggap ng P250,000 ang gold medalist, P125,000 sa silver at P50,000 naman sa bronze medal. Si Hansel Co ay makakakuha ng kabuuang P475,000 sa kanyang isang ginto, isang pilak at dalawang tanso habang ang mga gold medalists na sina John Baylon, Annie Ramirez at Margarita Ochoa ay tig-P250,000 bawat isa.

Si Grandmaster Eugene Torre at bagong Women Grandmaster na si Janelle Mae Frayna ay nakapag-uwi rin ng karangalan para sa bansa sa nakaraang 2016 World Chess Olympiad.

Ang iba pang makakatanggap ay sina silver medalists sa Asian Beach Games na sina Alexius Martin Petano, Christopher Yabut, Gian Taylor Dee, Princess Lyn Enopia, Jaciren Abad at Jefferson Rhey.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with