^

PM Sports

Tamaraws tinitingnan ang final 4

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatangkaing makalapit ng defending champion Far Eastern University sa inaasam nitong Final Four berth ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa kanilang pagharap sa University of the Philippines ngayong hapon  sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nasa solong ikalawang puwesto taglay ang 7-2 panalo-talo, nais maipagpatuloy ng Tamaraws ang kanilang naitalang anim na magkakasunod na panalo sa muli nilang pakikipagtuos ng University of the Philippines na hangad namang pataasin ang kanilang tiyansa na makapasok sa semifinals.

Dala ang 3-7 na marka sa kinaluluklukang ika-7 puwesto, maari pang umangat sa top four ang Maroons dahilan sa losing skid na kinasadlakan ng mga sinusundan nilang Adamson at National University.

Hangad ng Maroons na  makabawi sa 51-49 na pagkatalo sa Tamaraws noong first round ng eliminations.

Aasahang muli ng Maroons ang pagpapakita ng magandang performance ng kanilang graduating team captain na si Jett Manuel at Paul Desiderio na kapwa nangunguna sa kanilang opensa ngayong taon.

Sasandalan naman ng Tamaraws sina Monbert Arong, Wendell Comboy, Jojo Trinidad at Raymar Jose na siyang namuno sa kanilang huling anim na panalo.

Nakatakda ang laban ng dalawang koponan ganap na alas-2:00 ngayong hapon na susundan ng sagupaan ng University of the East at Adamson sa ika-4:00 ng hapon.

Susubukang tuldukan ng Falcons ang kanilang natamong dalawang sunod na pagkabigo sa pagharap nila sa Red Warriors na nakuha ang kanilang unang panalo ngayong season sa iskor na 64-57 sa nakaraang salpukan  nila noong  first round.

Mangunguna para sa gagawing pagbawi ng Adamson ang kanilang prized rookie na si Jerrick Ahanmisi katuwang sina Cameroonian big man Papi Sarr at point guard Robbie Manalang habang sisikapin namang bumangon nina Bonbon Batiller at Mark Pasaol para sa Red Warriors matapos malimitahan lamang sa tig-7 puntos sa kanilang nakaraang kabiguan kontra sa Ateneo Blue Eagles. (FML)

vuukle comment

FAR EASTERN UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with