^

PSN Showbiz

Akres pasan ang lungkot sa paghihiwalay ng mga magulang

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maingay na ang kuwento. Paborito nang pagpistahan ngayon sa mga umpukang-showbiz ang balitang paghihiwalay ng mga magulang ng isang popular na aktres.

Maraming nanghihinayang dahil kung kailan nagkaedad ay saka pa nagkani-kanyang landas ang mga magulang ng aktres. Sayang na sayang na relasyon na bumilang na nang maraming-maraming taon.

May kuwentong lumutang na ang pagbagsak diumano ng kanilang negosyo ang dahilan ng hiwalayan. Dati’y maayos ang kanilang business, malakas na malakas, pero nitong mga huling taon ay napag-iwanan na ang kanilang negosyo dahil sa sangkatutak na puwedeng pamilian sa merkado.

Maganda ang pamumuhay ng pamilya nu’n, nakapag-aral sa mga eksklusibong eskuwelahan ang magkakapatid, hanggang sa mag-artista na nga ang isa sa kanila at natupad naman ang kanyang mga pangarap.

Maraming pagsubok na pinagdaanan ang relasyon ngayon ng aktres at ng kanyang mister, hindi boto sa kanyang napangasawa ang mga magulang niya, pinagpistahan nu’n ang kanilang istorya.

Kalaunan ay natanggap na rin ng mga magulang ng aktres ang relasyon nilang mag-asawa, madalas silang makitang kumakain sa labas, masasaya sila.

Pero biglang nagkaroon ng problema, naghiwalay ang mga magulang ng aktres, sa kung anu-anong dahilan ay wala pang nagbibigay ng opisyal na pahayag mula sa kanila.

Kung kailan naman maligaya na siya dahil naplantsa na ang kanilang problema ay saka naman sumingit ang problemang pampamilya. ‘Yun ang dinadala ngayon ng aktres, kaya kahit maligaya na siya, malungkot pa rin ang kanyang puso dahil sa kalungkutang pinagdadaanan ng kanilang pamilya ngayon.

Ubos!

Pacman nakabaon pa rin ang mga paa sa lupa!

Ang palagi niyang pagiging absent sa Kongreso ang palaging ibinubutas nu’n ng marami kay Senador Manny Pacquiao na ngayon. Kundi siya may ensayo para sa kanyang laban ay meron siyang pinagkakaabalahan sa kanyang probinsiya.

Aminado naman ang Pambansang Kamao sa kanyang mga pagkukulang, nahirapan siyang pag­sabayin ang pagiging kinatawan ng Saranggani Province at ang kanyang propesyon bilang kampeong boksingero.

Ayaw niyang magbitiw ng salita ngayon na palagi siyang makikita sa Senado, pero positibo na rin ang kanyang sagot na sisikapin niyang palaging makadalo sa pagdinig, nandu’n ang kanyang paninindigan na ibang-iba na ang papel na ginagampanan niya ngayon sa mundo ng pulitika bilang senador.

Iba na talaga dahil nagpaalam na siya sa mundo ng boksing, nagbitiw na siya habang nasa itaas pa siya, kaya wala nang makaaagaw sa kanyang panahon at posisyon ngayon.

Kung kabutihan ng puso ang pag-uusapan ay panalo si Pacman. Naging idolo siya ng buong mundo sa tigas ng kanyang mga kamao, pero hindi siya pinagbago ng salapi at katanyagan, siya pa rin ang mapagkumbabang anak ng GenSan.

Malayung-malayo ang kanyang imahe sa ibang pulitiko na ni wala pa ngang napatutunayan, pero parang inaako na ang buong bansa natin, ibang-iba si Senador Manny Pacquiao na nananatiling nakabaon ang magkabilang paa sa lupa.

Mundo ng palakasan ang unang-unang tutulungang itaas ni Senator Manny.

Ang mundong nagbigay ng pangalan sa kanya, ang balwarteng nagbigay sa kanya ng napakagandang kabuhayan, ang larangang nag-angat sa kanya bilang pinakasikat na boksingero sa buong mundo sa kanyang panahon.
“The Lord will guide me,” palaging sinasabi ng Pambansang Kamao.

Aalalayan siya ng Diyos pero siya pa rin ang mag-aalaga sa kanyang upuan sa Senado sa pamamagitan ng maayos niyang serbisyo.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with