4 buwan pa ibinigay sa Pinoy death convict sa Saudi

MANILA, Philippines – Binigyan ng apat pang buwan ang overseas Filipino worker (OFW) na nasa death row sa Saudi Arabia upang makapagbayad ng P40 milyon na blood money sa pamilya ng kanyang pinaslang na Sudanese landlord.

Dapat sana’y bibitayin ngayong Miyerkules si Joselito Zapanta, pero naiusog ito sa susunod na buwan, Disyembre 14, upang makapag-ipon ng P55 milyon na blood money.

Ayon kay Bise Presidente Jejomar Binay, pumayag ang pamilya ng biktimang Sudanese na pababain sa P44 milyon na lamang ang blood money at palawigin pa ng apat na buwan ang palugit para sa pagbabayad nito.

Nakulong si Zapanta nang mapatay niya ang Sudanese niyang landlord sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Binay na ang patuloy na pakikipagnegosasyon ng pamahalaan sa pamilya ng biktima at gobyerno ng Saudi Arabia ay nagresulta sa pagpapaba ng halaga ng blood money.

Sa ngayon ay P4.39 milyon pa lamang ang naiipon ng pamilya ni Zapanta.

Ang kapatid na babae at ina ni Zapanta ay tumulak nitong Martes patungong Saudi Arabia upang bisitahin ang nakakulong na OFW.

  • Follow Us: