^

Balita Ngayon

Babae tumalon sa gusali sa Ortigas, sabog ang ulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang babae matapos tumalon sa isang gusali sa Baranggay San Antonio, Pasig City, Martes ng umaga.

Tumalon ang biktima mula sa roofdeck ng may 30-palapag na Prestige Tower mga bandang 9:25 a.m. at bumagsak sa kalsada ng Garnet road.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng babae dahil nagkahiwa-hiwalay ang katawan at nagkapira-piraso ang bungo nito.

Ayon naman sa administrator ng gusali, sinubukan daw nilang pigilan ang babae limang minuto bago ito tumalon ngunit hindi ito nagpapigil.

Sa tuwing lalapit sila ay paatras ang babae nang paatras at nag-hysterical pa bago ito tumalon.

Sabi naman ng isa pang saksi na si Jason Magsino, patawid siya nang mahulog ang katawan ng babae at tamaan siya. Aniya, wala nang ulo ang babae nang makita niya.

Hanggang ngayon ay inaalam pa ng mga pulis kung ano ang motibo ng biktima sa pagtalon. AJ Bolando

vuukle comment

ANIYA

AYON

BABAE

BARANGGAY SAN ANTONIO

BOLANDO

HANGGANG

JASON MAGSINO

NAGKALASUG

PASIG CITY

PRESTIGE TOWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with