^

Bansa

DOH handa na sa smoking ban

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
DOH handa na  sa smoking ban

Brig. Gen. Lyman W. V. Kennon a year before his death.

MANILA, Philippines -  Handa na ang Department of Health (DOH) sa implementasyon ng Executive Order No. 26 o Nationwide Smoking Ban bukas, Hulyo 23.

Kahapon ay nagsagawa ng promotion campaign ang DOH sa Andres Bonifacio Elementary School, San Lazaro Hospital, SM San Lazaro at Jollibee sa Tayuman, Maynila at nag­kabit ng mga ‘No Smoking’ posters at nagpaalala sa publiko kaugnay sa smoking ban.

Muling pinaalalahanan ni Health Assistant Sec. Eric Tayag ang publiko na wala nang magaganap na adjustment period, at ganap nang ipatutupad ang smoking ban kung saan maaaring magmulta ang mga mahuhuling lalabag ng P500 hanggang P10,000 o pagkakakulong, at pagkasuspinde ng license to operate para sa mga pasaway na establisimyento.

Inaasahan umano ng DOH na marami ang titigil na sa paninigarilyo gaya noong 2012, kung saan nasa 1 milyong Pilipino ang naitala ng ahensya na tumigil sa paninigarilyo matapos patawan ng mas mataas na buwis ang mga tobacco products.

Samantala, mahigit isang milyon na umano ang nabawas sa bilang ng mga naninigarilyo sa bansa mula 2009 hanggang 2015.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with