^

True Confessions

Damo sa Pilapil (62)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SALAMAT, BOY,” sabi ni Bogs kay Zac nang buksan niya ang gate. “Okey ka talaga. Maaasahan, ha-ha-ha! Sa Pasko may regalo ka sa akin.’’

Ngumiti lang si Zac pero sa kalooban niya, may inis siyang nadarama. Parang nakaka­baba ang pagtawag sa kanya ng “boy”. Baka naman hindi nito alam ang kanyang pangalan kaya siya tinatawag na “boy”.

“Papasok na ako Boy, salamuch!’’ sabi ni Bogs na nakangiti na abot hanggang taynga.

Napatango lang si Zac. Sinundan lang niya ng tingin si Bogs nang pumasok sa loob. Tiningnan ni Zac ang relo niya --- 10:00 ng umaga. Tiyak na aabutin na naman ng limang oras ang pag-uusap nina Mam Dulce at Bogs.

Napapadalas na ang pagtungo rito ni Bogs. Dalawang sunod na Linggo na. Baka nga nanliligaw siya kay Mam Dulce. Pero sabi naman ni Manang Cion ay magkaibigan lang ang dalawa. Noon pa raw ito dumadalaw kay Mam Dulce.

Pasado alas dose ay hindi natiis ni Zac na hindi silipin ang dalawa habang nasa salas.

Nakita niyang nag­ta­ta­wanan ang dalawa. Mahilig tala­gang magpa­tawa si Bogs. Nakatayo sila ha­bang nag-uusap.

Pero nang maupo ay bakit magkadikit na magkadikit sila sa sopa?

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DAMO SA PILAPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with