^

PM Sports

Nakakita ng pag-asa si Juico

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng four-day 2017 Ayala-National Open Invitational Athletics championships na ginanap sa Ilagan City Sports Complex, pagtutuunan na ngayon ng Philippine Athletics Track and Field Association ang pagbuo ng Philippine national team na sasabak sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay PATAFA president Philip Ella Juico,  nagkaroon ng liwanag na mahigitan ng Team Philippines ang fourth place finish ng national atletics’ team sa 2015 Sea Games sa Singapore kung saan nag-uwi ang koponan ng 5-7-9 gold-silver-bronze medals.

Kabilang sa mga may malakas na pag-asa sa darating na biennial regional SEA games ay sina triple jumper Mark Harry Diones at ang 4x100-m relay team nina Eric Cray, Anfernee Lopena, Jomar Udtohan at fellow Fil-Am Trenten Beram.    

“Diones (Mark Harry) and the 4x100m relay team will be serious threats in the forthcoming SEAG,” sabi ni Juico.

Si Diones na isang BS Criminology graduate ng Jose Rizal University ay nagtala ng panibagong national record sa triple jump event sa 16.70-meter na lumampas sa dating 16.29-m na siya rin ang nagre-histro sa ginawang weekly relay sa Philsports Complex sa Pasig City.

Ang quartet nina Cray naman ay binura ang 12-year national record na 40.55 segundo sa kanilang bagong 40.29-second sa una pa lamang nilang pagkakataon na magkasamang tumakbo sa naturang 4x100-m relay.

Ang tagumpay ni Diones ay masasabing isa nang silver medal finish sa darating na Sea Games dahil 16.20-m lamang ang talon ng silver medalist na si Varungyoo Kongnil ng Thailand noong 2015.

Mayroon pang mahigit limang buwan bago ang 2017 Kuala Lumpur Sea Games kaya puwede pang palakasin ni Diones ang tsansa dahil ang gold medal jump ni Muhammad Hakimi Ismail ng Malaysia sa Singapore edisyon ay 16.76-m lamang, ilang 10th of a second na lang ang agwat sa kay Diones.

Malakas na rin ang kumpiyansa ni Diones dahil tinalo rin niya si Ismail sa National Open noong Sabado. Ang Malaysian current champion ng Sea Games na si Ismail  ay tumalon lamang ng 16.06-m para sa silver medal.

Sabi ni Juico na kung bibigyan pa ng ilang buwang ensayo sina Cray, Lopena, Udtohan at Beram, mas lalong titibay din ang kanilang tsansa.

“With more practice and training abroad, they can go below 40 (seconds) and maybe we could snatch the gold medal in the men’s 4x100-m relay,” dagdag ni Juico. 

vuukle comment

JUICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with