^

PM Sports

Mr. Excitement Trophy race ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tampok sa magha-pong karera ngayong Sabado sa Metro Turf Malvar-Tanauan, Batangas ang pakarera ni Ira Herrera na Mr. Excitement Trophy race.

Nakalaan ang P130,000 na unang premyo na dinagdagan pa ng P10,000 ni Mr. Edong Diokno sa pa-karera itong parangal para sa ika-50 kaarawan ni Ira Herrera.

Tatakbo sa 1,200 metro distansiyang karera, ang mga nakapasok na kabayo ay ang mga sumusunod: 1-Graf na papatungan ni Abraham G. Avila, Yellow Cat na patatakbuhin ni Ronald F. Torres; Aerial na rerendahan ni Jessie B. Guce; Batang Novaliches na gagabayan ni Stephen D. Carmona; Rapids Run na dadalhin ni Jerico G. Serrano; Zap Victory na sasakyan ni Claro S. Pare Jr., at My Big Osh na iniatang kay E.D. Camañero Jr.

Samantala, lutang para sa kani-kanilang laban ang mga kabayong Secret Affair ni Jessie B. Guce sa isang handicap-3 race para sa mga tatlong taong gulang na kabayo.

Sa isang Handicap-4 ay napipisil rin ang may anim na taong babaeng alasang Yes I Can na kinukundisyon ni Ruben S. Tupas at ipinasakay kay Arnold B. Serios.

Maski pa nasa mababang grupong Han-dicap-1A ay sadyang angat ang pitong taong lalakeng kastanyo na My Bilin na gagabayan ni J.G. Serrano.

Ito ay mula sa koneksyon ni E.M. Zayas at J.A. Lapus.

Mayroon ding isa paang pakarera para sa mga babaeng kabayo na may edad na tatlong taon pataas gayundin naman sa mga lalakeng kabayong may tatlong taon pataas. (JM)

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with