^

PSN Showbiz

Pagsi-share sa stage nina Luis at Jennylyn nagka-malisya

PENMAN - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pagsi-share sa stage nina Luis at Jennylyn nagka-malisya
Luis Manzano at Jennylyn Mercado sa Star Awards for Television

Pinagpipistahan ng mga tsismosa ang pagkikita ng ex-lovers na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado sa Star Awards for Television noong Linggo.

May mga nagsasabi na awkward ang sitwasyon dahil may past ang dalawa at hindi maganda ang kanilang paghihiwalay.

May iba nang mga minamahal sina Luis at Jennylyn kaya para sa akin, hindi nakakailang ang pagtatagpo nila sa Star Awards for TV.

Nakadalawang girlfriend na si Luis mula nang maghiwalay sila ni Jennylyn, sina Angel Locsin at Jessy Mendiola samantalang going strong ang love affair nina Jennylyn at Dennis Trillo.

I’m sure, hindi na big deal kina Luis at Jennylyn ang pagkukrus ng landas nila sa okasyon na dinaluhan. Ang mga intrigera lang na naghahanap at nag-iimbento ng mga bagong showbiz news ang affected.

Sam YG hindi inililihim ang relasyon sa kapwa DJ

In love si Sam YG sa kanyang kapwa DJ na si Joyce Pring dahil ito ang napag-usapan kahapon sa presscon ng bagong television show niya sa GMA News TV, ang Vintage Trip.

Type ko ang pagiging honest ni Sam dahil hindi uso sa kanya ang off the record na salita. Sinasagot niya ang lahat mga tanong sa kanya, pati na ang relasyon nila ni Joyce na sounds familiar ang family name dahil tatay ng dalaga si Major Joe Pring ng Manila Police District.

Magaling at sikat na pulis si Joe Pring kaya dalawang beses na isinalin sa pelikula ang kanyang life story. Ang Joe Pring: Kidlat ng Maynila.

Si Phillip Salvador ang gumanap na Joe Pring na pinatay noong 1994.

Si Sam ang nagsabi sa mga reporter na kausap niya na matagal nang namayapa ang tatay ng kanyang girlfriend.

Ganadong-ganado si Sam sa pagkukuwento tungkol sa bagong show niya sa GMA News TV.

Ang sey ni Sam, nakapunta na siya sa mga probinsiya dahil sa paghahanap ng mga subject para sa Vintage Trip.

Mapapanood ang Vintage Trip simula sa Sabado, October 29, mula 11:30 a.m. hanggang 12 noon.

Highly recommended ni Sam sa lahat ang Vintage Trip dahil maraming matutunan ang televiewers sa mga discovery niya.

Sa title pa lang, malinaw na vintage o tungkol sa mga luma na kagamitan, koleksyon, at kung anik-anik pa ang programa ni Sam YG na Pinoy na Pinoy, sa isip, salita at gawa, kahit Indian na Indian ang hitsura niya.

Anne sunud-sunod ang panalo

Si Anne Curtis ang Best Female TV Host ng Star Awards for TV ngayong 2016.

Tuwang-tuwa si Anne sa award na napanalunan kaya nagpapasalamat siya sa lahat ng mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na bumoto sa kanya at nagbigay ng importansya sa mga ginagawa niya sa It’s Showtime.

Sunod-sunod ang magagandang pangyayari sa career ni Anne mula pa noong nakaraang linggo.

Nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!, pinupuri ng mga film critic ang acting niya sa pelikula, nanalo ang kanyang team sa Magpasikat segment ng It’s Showtime at ang pinakahuli, win siya ng Best Female TV Host trophy sa Star Awards for Television.

Wala nang mahihiling pa si Anne kung ang career niya ang involved dahil patuloy ang pag-ulan ng blessings.

 

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

LUIS MANSANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with