^

Probinsiya

2 pinabulagta sa bus

SUBLIMINAL - Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Bumulagta ang inspector ng Minda­nao Star Bus at bodyguard nito makaraang ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa loob mismo ng sasakyan na bumabagtas sa kahabaan ng highway sa Purok 7, Barangay Villarica sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng hapon.

Nakilala ang dalawa na sina Ademar Mangansakan Pa­ngato, 33, may asawa, inspector/supervisor ng Mindanao Star Bus; at Wahid Pangato, 19, binata, pamangking bodyguard na si Ademar at kapwa nakatira sa Barangay Noling sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Realan Mamon, deputy chief of police sa bayan ng Midsayap, magkasama ang mga biktima sa Mindanao Star Bus patungong Davao City mula sa Cotabato City.

Gayunman, nilapitan at pinagbabaril ng dalawang gunmen ang mga biktima pagsapit sa bahagi ng Purok 7 sa Brgy. Villarica.

Mabilis na tumakas ang gunmen lulan ng dalawang motorsiklo na naghihintay sa gilid ng highway.

Wala namang nasugatan sa mga sakay ng bus subalit nagdulot ito ng matinding takot kung saan may mga pasahero pa ang tumakbo at nagsisigaw.

Isa ang clan war sa mga sinisilip na anggulo ng pulisya.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with