^

Probinsiya

2 drug suspek utas sa buy-bust

KRIPOTKIN - Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Bulagta ang dalawang drug suspek na nasa watchlist ng pulisya matapos itong makipagbarilan sa mga awtoridad sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Bagbag sa bayan ng Rosario, Cavite kahapon ng madaling araw. kinilala ang mga napatay na sina Carl Abner Reyes Mendoza, 38; at Jayson Lawas “Ison” Mendoza, 20, mga nakatira sa Toledo Street sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na nakatunog ang mga suspek na pulis ang ka-deal nila sa bentahan ng droga kaya pinutukan nito ang poseur buyer. Gayunman, sumablay ang putok ng mga suspek kaya sumiklab ang bakbakan hanggang sa mapatay ang dalawa. Narekober sa dalawa ang cal. 38 revolver, cal. 22 revolver, 6-plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, at ang P500 marked money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

BUYBUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with