^

Probinsiya

2 bulagta sa pamamaril

ARTMAGEDDON - Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 bulagta sa pamamaril
Dalawa-katao ang napatay makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki habang nakikipagsaya sa bisperas ng kasal ng kanilang kaanak sa Sitio Punton, Barangay Tupas sa bayan ng Donsol, Sorsogon kamakalawa ng gabi.
STAR/File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawa-katao ang napatay makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki habang nakikipagsaya sa bisperas ng kasal ng kanilang kaanak sa Sitio Punton, Barangay Tupas sa bayan ng Donsol, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Bulagta dahil sa tama ng bala ang mga biktimang sina Jesus S. Lopera, 46, ng Sitio Buang, Brgy. Rawis; at Ronnie Latoga, 38, ng Brgy. Tupas sa bayan ng Donsol, Sorsogon. Sa ulat na isinumite ng pulisya sa Camp General Simeon Ola, nagkakasayahan ang mga biktima at ilang kaanak sa nalalapit na kasalan nang putukan ng hindi kilalang lalaki na nasa madilim na bahagi ng nasabing lugar. Unang tinamaan si Latoga saka tumagos ang bala sa katabi nitong si Lopera na kapwa isinugod sa Donsol District Hospital subalit idineklarang patay. Pinaghahanap ng mga pulis ang suspek kung saan inaalam kung ano ang motibo sa pamamaril.

 

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with