^

Punto Mo

Gulong

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

APAT na magkakabarkada ang nakipaglamay sa namatay na lola ng isa nilang kaklase. Pagkagaling sa lamay, dumaan muna ang apat sa bar. Masyado silang nalibang sa pag-iinuman kaya nakalimutan nilang may exam sila kinabukasan. Mga 4 A.M. natapos ang kanilang inuman. Naisip nilang dumiretso na lang sa unibersidad dahil ang exam ay magsisimula ng 7 a.m. Habang hinihintay nila ang propesor, nag-isip sila ng palusot para pagbigyan silang hindi mag-exam at bigyan na lang ng special exam sa ibang araw.

“Sir, may bumutas sa gulong ng aking kotse habang nakaparada sa funeral home. Nagkataon po na wala akong nakareserbang gulong. Natagalan bago pa kami nakakontak ng magdedeliber ng gulong dahil alanganing oras na. Sa halip na umuwi kami sa aming mga bahay, dito na lang kami dumiretso para ipaliwanag namin kung bakit hindi kami nakapag-review. Kaya kung maaari po na humingi kami ng special exam.”

Pumayag ang propesor na magbigay ng special exam kinabukasan. Pinaghiwalay ang apat kung saan ang seating arrangement ay imposibleng makapagsenyasan ng sagot ang bawat isa. Bukod dito, nakabantay sa kanila si Sir.

Bumulaga sa kanila ang test na may dalawa lamang na katanungan.

What is your name (1 point)

Alin sa mga gulong ang binutas? (99 points) harapan kanan; harapan kaliwa; likuran kanan; likuran kaliwa.

Samantala, lihim na natatawa ang propesor, sa loob-loob nito—“Akala yata ng mga estudyanteng ito ay tatanga-tanga ako. ‘Oy, gawain ko rin iyan noong araw.”

vuukle comment

SPECIAL EXAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with