^

Dr. Love

Kulang sa height

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi, Dr. Love! Ako po ay bumabati sa inyo at sa lahat ng avid readers ng inyong magandang column.

Please call me Honey Pie, 23 anyos and currently doing may on-line marketing business.

Isa sa mga customers ko na nag-place ng order na basketball shoes ang nakilala ko. Nagkaugnayan lamang kami sa facebook at dun niya ako niligawan. Kahit sa FB lang ay na-develop ang aming relasyon. After 6 months ay nagpasya kaming magkita.

Guwapo siya pero 5’2 lang ang height. Hindi halata sa mga pictures niya. Pero nagdalawang-isip ako dahil ang height ko ay 5’8.

Hindi ko masabi ang aking pagkadismaya pero tila nakahalata siya sa malamig kong reception sa kanya nang magkita kami sa isang fine dining restaurant.

Nalaman ko na isa siyang businessman na may pagawaan ng mga muwebles. Mayaman nga siya pero ang ideal man ko ay matangkad kahit ‘di masyadong guwapo. Dapat ba akong makipag-break sa kanya?

Honey Pie

Dear Honey Pie,

Kung hindi mo siya kursunada at wala kang feeling para sa kanya, that is your take kung ibig mong makipag-break. That is just being honest to him and to yourself. Pero as a fatherly advice, ipinapayo ko na ituloy mo ang pakikipagkaibigan sa kanya para makilala mo ang tunay niyang pagkatao. Minsan, ang diamante ay nakatago sa puso ng taong kulang sa katangiang panlabas.

Madalas nga, kung sino pa ang may magandang panlabas na anyo ay siya pa ang nagdudulot ng broken relationship. Kung siya ay responsable at mapagmahal, sapat nang dahilan ‘yan para mahalin mo siya.

Dr. Love                                           

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with