^

Punto Mo

EDITORYAL- Bentahan ng droga balik na naman

Pang-masa

KAHAPON dalawang lalaki na sangkot umano sa pagbebenta ng shabu ang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Caloocan City. Ang dalawa ay dati na umanong sumuko sa pulisya nang ilunsad ang “Oplan Tokhang’’ noong Hulyo nang nakaraang taon pero muling bumalik sa pagtutulak nang itigil ang “Tokhang” noong nakaraang buwan.

Halos kasabay nang pangyayaring iyon, isang lalaki sa Payatas ang pinatay din ng isang gunman sa harap ng bahay nito. Ang lalaki na nasa edad 28 ay suspect sa pagtutulak ng shabu sa lugar. Ayon sa mga nakasaksi, nakatayo ang biktima sa harap ng bahay nang lapitan ng isang lalaki at binaril. Bumulagta ang lalaki samantalang mabilis na tumakas ang suspect. Ayon naman sa mga kaanak ng biktima, nagbago na raw ang biktima at hindi na nagtutulak ng droga.

Ang pagbabalik ng mga “tulak” ang nakaalarma kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa para muling ibalik ang “Oplan Tokhang” na itinigil noong nakaraang buwan dahil sa mga naidokumentong pagtatanim ng shabu ng mga pulis sa sinalakay na establisimento. Si Sen. Panfilo Lacson pa ang nagbunyag sa pagtatanim ng shabu.

Naging dahilan din ang pagkidnap at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-joo ng mga pulis na kabilang sa Anti-Illegal Drug Group. Ginawang “lisensiya” ng mga pulis ang “Tokhang” para halughugin ang bahay ng Koreano sa Angeles City, Pampanga. Ang matinding ginawa ng mga pulis ay pinatay pa sa loob ng Camp Crame ang Koreano at saka sinunog ang bangkay at itinapon ang abo sa inidoro.

Kung balak ni Dela Rosa na ibalik ang “tokhang” siguruhin niya na pawang legitimate ang police operations. Baka maulit ang pangyayari na pinagkakitaan ng mga “scalawag” na pulis ang operasyon. Baka umiyak na naman siya kapag nadagdagan ang dungis ng PNP.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with