^

Metro

2 dedo sa pamamaril

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Malabon City, mula nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Malabon City Police, naglalakad mag-isa ang biktimang si Jomar De Guzman sa may Villanueva Street, Brgy. Tonsuya dakong ala-1:30 ng madaling araw nang sundan siya ng mga hindi nakilalang salarin at pagbabarilin.

Mabilis na nagsitakas ang mga salarin habang isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center ngunit hindi na rin umabot ng buhay.  Blangko naman ang pulisya sa motibo sa naturang pamamaslang.

Dakong alas-7 ng Linggo ng gabi naman ng pagbabarilin at mapatay ng nag-iisang salarin ang 28-anyos na si Albert Nocepeda,  residente ng  Brgy. Tonsuya.  Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima  sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril si Nocepeda saka tumakas.

Sa inisyal na imbestigasyon, dati umanong miyembro ng AVATAR crime group ang biktima na tinitignan ngayong anggulo sa pamamaslang.

vuukle comment

PAMAMARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with