^

Metro

Ex-kagawad utas sa sariling baril

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaalam ngayon ng pulis­­ya kung aksidente o sinadya ang pagkamatay ng isang dating barangay kagawad makaraang matagpuan ang bangkay nito na may tama ng bala buhat sa sarili niyang baril, Linggo ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Romel Del Prado, 45, ng Dagat-Dagatan, Brgy. 14, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Ca­loocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng gabi sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima. Ayon sa saksing si Cindy Del Prado, 33, kapatid ng nasawi, nanonood siya ng telebisyon sa unang palapag ng kanilang bahay kasama ang mga pamangkin nang marinig ang isang putok ng baril buhat sa kuwarto ng kanyang kuya sa ikalawang palapag ng bahay.

Nang kanyang puntahan, dito tumambad ang wala ng malay na si Del Prado habang umaagos ang dugo buhat sa dibdib. 

Sa pagsusuri ng mga imbestigador, naisuko sa kanila ang isang calibre .38 na baril na may lima pang live na bala at isang napaputok na cartridge.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagkasawi ni Del Prado.

vuukle comment

EX-KAGAWAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with