^

Dr. Love

Walang kibuan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay datnan ka ng aking sulat na nasa mabuting kalusugan. Gayundin, ipinaaabot ko sa iyo at sa mga tagasubaybay ng iyong co­lumn­ ang aking pagbati.

Tawagin mo na lang akong Reuben, 28 anyos at may asawa. Nagtatrabaho po ako sa isang government office. Ang problema ko po ay ganito, matagal na kaming walang kibuan ng misis ko. Nagsimula lang ito sa simpleng pag-aaway.

Tatlong buwan na ang nakakaraan nang mag-intrega ako ng sahod sa kanya at nagalit siya dahil bakit malaki raw ang kulang. Kahit anong paliwanag ang sinabi ko sa kanya na maraming utang na kinaltas sa akin, sabi niya ay nambababae ako na isang kasinungali­ngan.

Matagal kaming nagsagutan at mula noon, hindi na kami nagkikibuan.

Wala akong kasalanan sa nangyari kaya hini­hintay kong humingi siya ng sorry pero ma­tigas siya. Ano ang dapat kong gawin? Ayo­kong makita ng dalawang anak namin ang ga­noon tratuhan namin.

Reuben

Dear Reuben,

Para matapos na ang gusot ninyo, magpakumbaba ka at ikaw ang mag-sorry. Kung hindi totoo ang hinala niya, sabihin mong humihingi ka pa rin ng tawad sa kanya.

Kung maghihintayan kayo kung sino ang unang kikibo, baka matatanda na kayo ay hindi pa rin kayo mag-uusap.

Dr. Love

 

vuukle comment

WALANG KIBUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with