^

Metro

Gun store ni-raid: 64 hindi lisensiyadong baril nasamsam

MULTIPLE CHOICE - Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa 64 hindi lisensyadong baril ang nasamsam ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) matapos ang pagsalakay na ginawa sa isa sa dalawang gun shops sa lungsod kamakalawa.

Ayon kay QCPD Director P/Senior Supt. Guillermo Eleazar, isinagawa ang pagsalakay sa ‘Triple A Gun store’ na matatagpuan sa 2nd Avenue, Brgy. Bagong Lipunan, Camp Crame, Cubao, QC .

Ang nasabing shops na pag-aari ng magkapatid na sina Joel at Johnny Mendoza, ay sinalakay sa bisa ng isang search warrant na inisyu ni Hon. Judge Angelene Mary W.Quiampo-Sale, presiding judge ng National Capital Judicial Region (NCJR) RTC branch 106.

 Bago ito, nagsagawa umano ng surveillance at test buy ang tropa ng District Special Operation Unit (DSOU) sa nasabing tindahan matapos na makatanggap ng impormasyon na nagbebenta sila ng mga baril na hindi lisensyado.

Sinasabing sa pagsalakay ay walang maipakitang dokumento ang may-ari ng shop dahilan para kumpiskahin ang nasabing mga baril at inaresto ang isa sa may- ari na si Joel Mendoza.

Sabi ni Eleazar, may dokumento naman umano ang tindahan, subalit hindi anya sandata ito para maari na ring magbenta ng mga baril na hindi lisensyado.

Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang comprehensive firearms and ammunition law ang isasampa laban kay Mendoza.

vuukle comment

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with