^

Pang Movies

Concert ni Vina muntik ‘di matuloy, venue binaha!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Maraming nadismaya na 9:30pm na nagsimula ang Vina@Thirty anniversary concert ni Vina Morales noong Friday sa KIA Theater.

Walang kasalanan ang mga taga-DSL Productions ni Pops Fernandez o ang kahit na sinong may kinalaman sa 30th anniversary concert ni Vina sa delay.

Kailangang magpaliwanag ang KIA Theater management sa bagay na ‘yon dahil bigla na lang bumulwak ang tubig mula sa banyo sa isa sa dressing rooms ng nasabing concert venue. Bumaha sa backstage at umabot pa ‘yon hanggang sa gilid ng stage, kaya maraming mga gamit sa concert ang inilipat.

May wires kasi na nabasa at nakakatakot na baka makuryente ang performers habang nagko-concert.

Si Pops nga, muntik madulas, mabuti na lang at nahawakan siya ng isang kaibigan! Ang pangyayaring ‘yon ang dahilan kaya hindi nakapagsimula kaagad ang Vina@Thirty anniversary concert, kaya nag-react ang karamihan sa mga nagpunta roon para manood.

May iba nga nagbantang aalis na lang dahil inip na inip na sila. Mabuti na lang at napakagaling ni Vina at ng mga guest niyang sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Daniel Padilla, Shaina Magdayao at Robin Padilla, kaya nag-enjoy pa rin ang mga nagpunta roon.

In fairness, maganda ang pagkaka-direct ni Mr. M (Johnny Manahan) sa nasabing concert.

Pinasalamatan ni Vina ang best friend niyang si Pops na siyang nagprodyus ng kanyang 30th anniversary concert.

Game 4 ng PBA dinagsa

Kasabay ng Vina@Thirty anniversary concert ang Game 4 of the 2016 PBA Governors’ Cup Finals sa Araneta Center.

Sobrang traffic sa nasabing lugar dahil sa dalawang event na ‘yon. Marami nga ang nahirapang makapag-park dahil sobrang puno rin ang Smart Araneta Coliseum sa napakaraming nanood ng nasabing PBA game ng Ginebra San Miguel at Meralco teams.

Mayor Bistek naki-celebrate sa Red Lions

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa post championship dinner celebration ng Red Lions basketball team ng San Beda College sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Thursday.

Graduate ng San Beda College si Bistek, kaya naman nang maimbitahan siya sa nasabing celebration, naglaan talaga siya ng oras para makasama ang champion team ng NCAA season 92.

Habang nanonood ng concert ng anak dating actress na si Dina Dominguez patay sa heart attack

Yumao na ang dating aktres na si Dinah Dominguez dahil sa heart attack.

Narito ang Facebook post ng isang kaibigan ni Dinah:

“A dear friend inside and out of showbiz just passed away. Ms. Dinah Dominguez You will surely be missed :( From what I heard she collapsed while watching her daughters concert.”

Nakilala si Dinah sa showbiz noon bilang “babaeng kalbo” dahil sa isang pelikula na pinagbidahan niya kung saan ay kailangan niyang magpakalbo talaga.

Later on, napag-usapan na naman siya dahil naging paborito ng GMA-7 ang anak niyang si Champagne Morales na bukod sa naging singer ay nag-artista rin.

The latest we heard, bago namatay si Dinah, nagma-manage siya ng ilang mga baguhang talent sa showbiz.

To the family of Dinah, our condolences!

vuukle comment

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with