^

Pang Movies

Laging may karga sa taping veteran actress tuloy sa pagsa-shabu!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Worried ang ilang tauhan ng isang teleserye sa veteran actress na ito dahil sa ikinikilos nito na kakaiba.

May mga naririnig na silang mga kuwento na palagamit ng pinagbabawal na droga ang naturang veteran actress, pero wala naman silang mapatunayan dahil maayos naman daw ito kapag kinukunan na ng kanyang mga eksena.

Kapag wala raw ito sa harapan ng kamera, doon daw ito nagiging parang weird at kung anu-ano ang mga chika.

Paulit-ulit daw ang mga kuwento nito at maya’t maya raw ay lakad nang lakad na tila hindi ito mapakali sa iisang lugar.

“Kaya natatakot kami na baka one day bigla siyang damputin o mahuli. Eh may history na pala ‘yan na nakakulong dahil sa shabu.

“Sana naman sa edad niyang ‘yan ay tumigil na siya. Parang nakakahiya naman na lola ka na, pero talamak ka pa sa droga.

“Wish lang namin talaga na hindi totoo na gumagamit pa rin siya,” sey ng source namin.

May isang insidente raw na nagmaneho ng mag-isa ang veteran actress papunta sa isang location shooting niya. Natapos daw ito mag-taping ng madaling-araw na, pero nakapag-drive pa ito ng halos anim na oras papunta sa shooting naman.

“Hindi ba nakakalokah siya? Buti hindi siya naaksidente.

“Sinabihan naman siya na kung abutin ng madaling-araw ang pack-up, susunduin na lang siya ng service van ng production sa bahay niya para makapagpahinga siya.

“Pero nagulat na lang kami na dumating siya sa location at siya pa ang nag-drive. At full of energy pa siya. Yung parang hindi siya napagod sa buong magdamag na nagmaneho siya.

“Kaya pakiramdam namin na matindi ang kinarga nito kaya gising na gising pa siya,” kuwento pa ng source namin.

Dasal nga ng marami na sana ay tigilan na ng veteran actress ang hindi magandang bisyo na ito. Huwag na raw sanang dumating sa puntong mahuhuli ito at makukulong sa edad niya ngayon.

Tom Hanks tinawag na ‘gasbag’ ang presidential candidate na si Donald Trump

Nagsalita na ang two-time Oscar winning Hollywood actor na si Tom Hanks tungkol sa U.S. presidential candidate na si Donald Trump.

Tinawag nga ito ni Hanks na “simplistic, self-involved gasbag of a candidate”.

Dagdag pa ni Hanks: “Every four years, the circus comes to town in the United States. Every four years, we decide who’s going to be the leader.

“It’s always at some form of crossroads. Often there is a fever pitch of fear and anxiety. Sometimes it’s warranted, and other times it’s manufactured.

“When America has faced those circumstances and times, we have never turned to a simplistic, self-involved gasbag of a candidate.”

vuukle comment

DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with