^

Pang Movies

Aktor binaawasan na ang raket para sa kinakasama

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nirendahan na ang kilalang aktor ng kanyang non-showbiz partner pagdating sa trabaho. Nawawalan na raw kasi ng oras ang aktor para sa mga anak niya.

Naging masunurin naman ang aktor sa partner. Eh ngayon lang kasi nawalan ng stress sa partner ang aktor kumpara sa mga una niyang nakasama na mas lamang ang sakit ng ulo kesa peace of mind.

Nagbawas na ng load sa trabaho ang aktor dahil ayaw niyang maging mitsa uli ito upang masira ang pamilya, huh!

AlDub may honeymoon sa London and Germany

As promised, nagbalik nga ang Kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon. Tanging si Lola Nidora (Wally Bayola) ang lumutang sa episode at wala ang characters nina Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo) as of this writing. Eh, bumusina na ang trak kaya freeze na naman ang next scene.

Ang pamamanhikan sana ang magaganap kahapon sa KS. Eh, di dumating ang cake na kailangan sa eksena so bitin na naman ang manonood.

Siyempre, after pamamanhikan, kasal na ang kasunod. Yes, ikakasal sina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa susunod na episode ng KS. After the wedding, siyempre, honeymoon na! Ito kaya ang kukunan sa London at Germany?

Buhay ni Jiro naisalba ni AiAi

Nabisita rin ni AiAi delas Alas ang anak-anakan na si Jiro Manio sa rehab nito sa Bataan. Sa post ni AiAi sa Instagram account niya, sinabi niyang buhay na buhay si Jiro, huh!

Tumaba si Jiro at nagkaroon ng tiyan. Pero magaan pa rin ang katawan dahil sa ipinakitang video na sumasayaw siya.

Ayon pa kay Ai, sobrang umaliwalas daw ang mukha ng dating child actor nang makita siya. Kahit kasi malayo ang lugar, naglaan pa rin ng oras si Ai para bisitahin ang anak-anakan.

Napaiyak ni Jiro si AiAi nang sabihin ng huli na dahil sa nanay-nanayan, na-rescue ang pagkatao niya. Kung sinuway ng dating child actor si AiAi na mu­ling pumasok sa rehab, baka burado na siya sa mundo, huh!

Si AiAi pa rin ang nagbabayad sa monthly fees ni Jiro sa rehab.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with