^

Pang Movies

Kesa ituloy ang Kalyeserye AlDub hiniritan na bigyan na lang ng sariling show!

NEW BEGINNINGS - Nora Calderon - Pang-masa
Kesa ituloy ang Kalyeserye AlDub hiniritan na bigyan na lang ng sariling show!
Aldub

Isang very important date ang October 15 sa mga fans ng AlDub team nina Alden Richards at Maine Mendoza.  Six years ago, October 15, 2010 nang unang magkita sa Candy Fair sina Alden at Maine.  Kilala pa si Alden noon na Richard Faulkerson, Jr. at isa sa mga young models ng Candy magazine. 

Si Maine, isang regular fan na gustong makakita ng artista.  At doon na nga nagsimula ang destiny sa pagitan nila dahil marami pang events na sumunod hanggang sa magkita sila sa split screen sa Eat Bulaga matapos makapasa sa audition si Maine at si Alden naman ay isa na sa mainstay ng noontime show.

At kahapon nga sa kalyeserye, lumipas na ang five years at muling bumalik sa Pilipinas at sa mansiyon ang tatlong lolas, Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paulo Ballesteros, na ginaya si Maine) at Tinidora (Jose Manalo). 

Iyon ang itinakdang araw ni Alden na mamanhikan na sa mga lolas at hingin ang kamay ni Maine sa kanila.  Kasama ni Alden ang kanyang Lola Baba (AiAi delas Alas) at lahat sila ay tanggap naman na maging sina Alden at Maine na. Nakakatuwa na ang suot ni Maine ay iyong red dress niya at si Alden iyong blue long sleeves na suot niya nang una silang nagkita nang binisita ni Alden for the first time si Maine sa mansion.

“Lola, hinihingi ko po ang kamay ni Maine,” sabi ni Alden.  “Si Maine na po ang buhay ko, at ako ang buhay niya, kami pong dalawa.  Inayos na po namin ang buhay namin para sa aming mga magiging anak.”

32 children daw ang gusto ni Maine para lumaki na ang kanilang pamilya at sabi ni Tidora, saan daw sila kukuha ng mag-aalaga sa 32 bata.

Ang tanong kailan ang kasal, pero bumusina na kaya ito ang hanging question. Tanong pa rin ng mga fans and tele­viewers, itutuloy pa ba ang kal­ye­­serye?  Mayroon kasing ayaw na nilang ituloy at bigyan na raw lamang ng sariling segment sina Alden at Maine.  Ang iba naman ay gusto nilang ituloy pa ang kalye serye.

Camille magpapaka-misis sa Amerika pagkakasal

Tuloy na ang wedding ng Mars host na si Camille Prats sa January, 2017 sa kanyang boyfriend na si VJ Yambao.  Kaya ngayon pa lamang, lubos na ang paghahanda ni Camille sa nalalapit nilang kasal.

Kamakailan ay natapos na nila ni VJ ang kanilang pre-nuptial shoot sa California.

Hindi naman ikinakaila ni Camille na gustung-gusto na niyang maging Mrs. VJ Yambao.

Naitanong na namin noon kay Camille kung saan ba sila maninirahan ni VJ kasama ang anak niyang si Nathan, sakaling kasalin na sila?

“Napagkasunduan na namin ni VJ na sa California na kami manirahan,” sagot ni Camille.  “Naroon kasi ang work niya at ako naman, willing kong i-give-up ang career ko rito, para magkasama kami roon.  Ilang beses na rin kaming nagpunta sa California ng anak ko  at okey naman sa anak ko na doon na kami manirahan.  Naroon na rin kasi ang family ni VJ, doon na sila naka-base.”

At bilang paghahanda, ang kanyang married name na ang kanyang ipinatahi sa kanyang personalized bag tag.  Sa halip na Camille Prats ang ipatahi niya sa bag, Camille Yambao na.

vuukle comment

ALDUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with