^

Pang Movies

Sarah at Matteo nakaraos na ng tatlong taon!

MULTIPLE CHOICE - Ed de Leon - Pang-masa
Sarah at Matteo nakaraos na ng tatlong taon!
Matteo

Hindi nga kaya isang araw ay magulat na lang tayo sa mga balitang magpapakasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

Tatlong taon na ang kanilang relasyon. ‘Yan na ang pinakamatagal na relasyon ni Sarah.

Noon laging nagkakaroon ng dahilan para tapusin ang kanyang love affairs. Siguro ang kaibahan nga ay bata pa naman si Sarah noon at marami pang mga pangarap na gustong matupad ang kanyang pamilya. Pero ngayon established na ang buhay ng kanyang buong pamilya, matured na rin si Sarah at kung maging seryoso na nga siya sa kanyang lovelife, ok na iyon.

Sa parte naman ni Matteo, ngayon lang din natin narinig na nagkaroon siya ng isang seryosong relas­yon. May mga naka-love team din naman siya noon pero wala yata kaming natatandaan na niligawan niya ng seryoso. Taliwas doon sa kanyang personality, na guwapo, mayaman, at lahat na, hindi nagkaroon ng playboy attitude si Matteo. Simula nang ligawan niya ni Sarah, seryoso siya.

Hindi smooth ang simula ng kanilang relasyon.

Kagaya rin ng iba, nagkaroon ng pagtutol ang pamilya ni Sarah sa simula, pero naging firm si Matteo, na sa tingin  worked to his advantage. Ngayon naisasama na niya si Sarah sa mga date. Naisasama na niya si Sarah hanggang sa pamilya niya sa Cebu, at obvious na boto naman ang pamilya ni Matteo kay Sarah.

Kung natatanong sila pareho, sinasabi nilang napag-uusapan na nila ang kanilang “kinabuka­san” pero hindi pa naman siguro mangyayari agad ang kanilang pagpapakasal. Pero sino nga ba ang makapagsasabi?

Umaatikabong love scene ni Derek at Lovi, hindi alam ng gf ng aktor

Nalampasan na ni Derek Ramsay ang lahat ng controversy noon sa kanyang dating asawa at anak. Ngayon sinasabi nga niyang wala na siyang problema. Nakikita at nakakasama na niya paminsan-minsan ang kanyang anak. Bagama’t hindi pa ayus na ayos, pero nag-usap na sila ng isang babaeng pinakasalan niya noon at hindi nga siguro magtatagal ay makukuha na niya ang annulment ng kanyang kasal.

May girlfriend na rin naman si Derek ngayon, at mukha namang maayos ang kanilang samahan. Sinasabi nga rin ng ilang observers na kung makukuha na nga niya ang annulment, posibleng pakasalan na ng aktor ang kanyang present girlfriend.

Pero noong isang araw, naging usap-usapan, hindi raw kaya magkaroon ng problema si Derek oras na mapanood ng kanyang girlfriend ang love scene nilang dalawa ni Lovi Poe sa pelikulang The Escort?

Hindi pa namin napapanood ang kabuuan ng pelikula, pero mukhang maraming mga love scene si Derek na sinasabi nga ng iba na “posibleng ika-selos ng kanyang girlfriend”. Naihanda kaya ni Derek ang girlfriend niya sa posibleng reaksiyon sa kanyang pelikula?

Aktor kinahihiya ang sariling anak

Ano kaya ang madarama ng isang bata kung may wastong isip na siya at malalaman niyang may panahong para siyang ikinahihiya ng sarili niyang ama? Nakita kamakailan ang isang male star at ang sinasabing kulikadida niyang naanakan sa isang mall. Bumibili sila ng tila mga bagay na kailangan sa birthday ng kanilang anak, pero patuloy pa ring ikinakaila ng tatay ang anak niya.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with