^

Police Metro

2 solon na nasa ‘narco-list hindi agad mapapatalsik

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi umano agad maaaring kumilos at kung ano dapat gawin sa dalawang nakaupong kongresista na nasa  listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa droga.

Ito ang pag-amin ni Isabela Rep. Rodito Albano, miyembro ng House Committee on Dangerous Drugs  na hindi basta maaaring iendorso ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang hawak niyang narco list sa Ethics Committee ng Kamara para maging basehan  ng moto propio investigation at pagpapataw ng parusa kung kinakailangan.

Kahit anya,validated ang impormasyon laban sa dalawang kongresista na ang isa ay taga Min­danao na umanoy protector ng mga drug personalities ay kailangang may pormal na maghain ng reklamo sa ethics committee laban sa tinaguriang Narco Congressmen para makakilos ang Mababang Kapulungan.

Maaari umano itong gawin ng law enforcement agency na nagsiyasat sa mga kongresistang sangkot sa droga para sa huli ay mapatalsik sila sa Kamara at puwede rin idiretso ang reklamo sa Department of Justice (DOJ)  para masimulan ang nauukol na proseso sa kanilang magiging kaso.  

vuukle comment

NARCO-LIST HINDI AGAD MAPAPATALSIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with